KILALA KITA?

“Kilala Kita”
Kilala kita
Tila…
Sa mga pagkakataong naaalala kita
Kilala kita.
Ang payapang alon ng buhok
Na sumasayaw sa pag-ihip ng malambing na hangin.
Kilala kita.
Ngunit tila
Dahil sa mga nakakalimutang sulok ng ala-ala na lamang
Ang natatangi nating tipanan.
Doon sa madidilim na eskinita ng pagbabalik tanaw
Kilalang-kilala Kita.