IKAW

“Ikaw”

Ikaw ang nag-iisang tala

sa aking kalawakan

Na kapag nawala,

ay magiging sanhi ng karimlan

Ikaw ang mapayapang alon

sa malawak kong karagatan

na di magbabago ang direksyon

ano mang panahon ang dumaan

Ikaw ang katuparan

ng aking mga pangarap

na handa kong paghirapan

upang maganap

Ikaw ang bawat letra

ng sinulat kong tula,

ang tugma na di maluluma,

at nilalaman ng bawat kataga.