KILALA KITA?

“Kilala Kita”Kilala kitaTila…Sa mga pagkakataong naaalala kitaKilala kita.Ang payapang alon ng buhokNa sumasayaw sa pag-ihip ng malambing na hangin.Kilala kita.Ngunit tilaDahil sa mga nakakalimutang sulok ng ala-ala na lamangAng natatangi nating tipanan.Doon sa madidilim na eskinita ng pagbabalik tanawKilalang-kilala Kita.